Limang mahistrado ng Court of Appeals, pasok sa shortlist ng mga nominado sa Supreme Court Associate Justice post

Limang Court of Appeals Justice ang nakapasok sa shortlist ng Korte Suprema para babakantehing pwesto ni Associate Justice Mariano Del Castillo na magre-retiro sa Hulyo 29.

 

Batay sa naging botohan ng Supreme Court en banc, nanguna sa shortlist sina CA Justices Rodil Zalameda at Filomena Singh na parehong nakakuha ng 13 boto mula sa 15 mahistrado.

 

Kapwa Pumangalawa naman  sina CA Justices Ramon Garcia at Apolinario Bruselas na mayroong tig-11 boto at sumunod si CA Justice Japar Dimaampao.


 

Isusumite ni Chief Justice Lucas Bersamin sa Judicial and Bar Council ang nasabing shortlist.

 

Dalawamput tatlo ang mga aplikante sa nasabing pwesto at karamihan ay mga mahistrado ng CA at Sandiganbayan.

 

Umatras naman si CA Justice Stephen Cruz.

Facebook Comments