Limang mangingisda, na-rescue ng PCG sa karagatan ng Cavite

38

Limang mangingisda ang na-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station sa Ternate, Cavite matapos na lumubog ang dalawang motorbanca na sinasakyan ng mga ito sa Barangay San Jose IV.

Isa sa mga mangingisda ay nagtamo ng minor injury at binigyan ng first aid treatment ng mga tauhan ng PCG.

Binigyan naman ng pagkain, tubig at iba pang mga pangangailangan ang mga nailigtas na mga mangingisda bago sila inihatid sa kani-kanilang mga tahanan.

Nitong weekend, 15 ring mga mangingisda ang na-rescue ng PCG sa Pangasinan.

Facebook Comments