Limang miembro ng budol budol gang arestado sa bayan ng Midsayap North Cotabato

54

Limang miembro ng budol budol gang na nag-ooperate sa ilang mga bayan sa North Cotabato ang nahuli sa bayan ng Midsayap sa North Cotabato.
Ayon kay Midsayap Pnp Chief, Police Superintendent Gilbert Tuzon nahuli ang limang suspek pasado alas onse ng umaga kahapon sa public market ng Midsayap.
Kinilala ang mga naaresto na sina Leonardo Cabiles Ronda, Judie Alado Edisa, Baby Rafael Ramal, Grace Argoles Paluga at Mariel Laluos Dugos na pawang nakatira saTagum City.
Sakay ng van ang lima ng maaresto ng pwersa ng PNP at AFP at nakuha mula sa kanila ang abot sa 209 libong pisong pekeng peso bill.
Pahayag ni Tuzon marami ng reklamo ang naiparating sa kanilang tanggapan hinggil sa modus operandi ng mga ito.
Nakakulong ngayon sa Midsayap Pnp lock up cell ang 5 mga suspek .(with report from Romi Varon)

Facebook Comments