Limang milyong low-income households, planong iparehistro ng pamahalaan sa national ID system sa katapusan ng taon

Target ng pamahalaan na iparehistro sa national identification program ang nasa limang milyong pinuno ng low-income households pagdating ng Disyembre.

Sa ikawalong weekly report ng Pangulo sa Kongreso, sinabi niya na sisimulan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mass registration para sa national ID sa Oktubre.

Layunin nitong mapabilis ang pamamahagi ng relief assistance sa mga mahihirap na pamilya.


Nasa 6,500 registration kits ang ilulunsad ng PSA sa 46 fixed registration centers at 1,170 mobile registration centers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Magkakaroon din ng partnership sa Land Bank of the Philippines para gamitin ang 126 branches nito bilang registration centers para sa national ID program.

Una nang ipinag-utos ng Pangulo kay National Economic and Development Authority (NEDA) Acting Secretary Karl Kendrick Chua na pabilisin ang pagpapatupad ng national identification system.

Facebook Comments