Naniniwala si Public Works and Highways Sec. Mark Villar na maaaring maisakatuparan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na limang minutong biyahe mula Cubao sa Quezon City patungong Makati.
Ayon kay Villar, kapag natapos na ang major road projects sa Metro Manila, asahan ang 15 minute travel sa pagitan ng Makati at Balintawak kung saan magiging posible ang 5-minute Cubao-Makati trip.
Dagdag pa ng kalihim, para makamit ang 5-minute travel time sa pagitan ng Cubao at Makati ay dapat maialis sa EDSA ang nasa 250,000 hanggang 300,000 sasakyan.
Kabilang sa mga road projects ay ang Metro Manila Skyway Stage 3, NLEX Harbor Link, at C5 South Link Expressway.
Inaasahang sa katapusan ng taon ay magkakaroon ng ‘big improvement’ sa daloy ng trapiko lalo at bubuksan ang ilang road segments.