Manila, Philippines – Matapos ang high heels order ng Dept. of Labor and Employment.
Isinusulong naman ngayon ng labor department ang pagkakaroon ng limang minutong ‘standing break’ para sa mga empleyadong matagal na nakaupo sa kanilang trabaho.
Ayon kay Labor Undersecretary Dominador Say, batay sa *Department Order No. 184* ang mga empleyado na madalas nakaupo ay kailangan bigyan ng mga employeer ng 5-minute break kada dalawang oras.
Ito ay para hindi malagay sa alanganin ang kalusugan ng mga manggagawa na malimit na nakaupo sa kanilang araw-araw na gawain.
Kasama sa mga maaring mabigyan ng ‘standing break’ ay ang mga empleyadong gumagawa ng clerical works, BPO o call center companies at it companies.
Magiging epektibo ang nasabing kautusan sa unang linggo ng Nobyembre.
Panawagan naman ng DOLE sa mga manggagawa, kung hindi sila mapagbibigyan ng kanilang mga empleyadong mag-break, pwede nila itong ireklamo sa DOLE hotline 1349.