Limang miyembro ng Armed Lawless Group, patay; anim, arestado sa operasyon ng militar sa Sultan Kudarat

Nasawi ang limang miyembro ng Armed Lawless Group (ALG) habang sugatan ang siyam na iba pa kasama ang kanilang lider sa ginawang operasyon ng militar sa Sultan Kudarat kahapon.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas, matapos makumpirma ang presensya ng grupo ni ALG Commander Tugali Guiamal Galmak, alyas “Commander Tugali”, agad na naglunsad ng enforcement operation ang 40th Infantry Battalion ng Joint Task Force Central sa Purok Galmak, Barangay Baumol, Lambayong.

Aniya, nagkaroon ng ilang minutong sagupaan dahilan ng pagkamatay ng limang miyembro ng armed group at pagkasugat at pagka-aresto ng siyam na iba pa kabilang na si Commander Tugali.


Nakuha naman ng militar sa pinangyarihan ng sagupaan ang 15 mga baril.

Nabatid na ang grupo ni Tugali ay sangkot sa kidnap for ransom, extortion at iba pang illegal activities sa lugar.

Facebook Comments