Limang miyembro ng pamilya, minasaker sa San Jose Del Monte, Bulacan

262

Manila, Philippines – Nag-alok na ng P100,000 pabuya si San Jose Del Monte, Bulacan Mayor Arthur Robes sa makapagtuturo sa mga suspek sa pagmasaker sa limang miyembro ng isang pamilya.

Patay na at tadtad ng saksak nang datnan ng security guard na si Dexter Carlos ang kanilang pamilya sa blk. 1 lot 8 Northtridge Subd. Royal, Brgy. Sto. Christo.

Kabilang rito ang asawa ni Carlos na si Estrella, kanyang biyenan na si Auring Dizon, mga anak na sina Donnie Carl, 11-taong gulang; Ella, 7-taon gulang at ang isang taong gulang na sanggol na si Dexter Carlos Jr.


Ayon kay Psupt Fidz Macariola ng Bulacan Provincial Office, posibleng kakilala ng mga biktima ang suspek dahil walang force entry na makikita sa pinasok na bahay.

Posibleng lango rin umano sa illegal sa droga ang suspek dahil hindi magagawa ng nasa matinong pag-iisip ang karumaldumal na pagpatay sa mag-iina.

Limang persons of interest na ang isinailalim ng mga otoridad sa pagtatanong pero wala pang naaarestong suspek.



Facebook Comments