KALINGA – Limang miyembro ng pamilya ang nalibing ng buhay makaraang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Lubuagan, Kalinga.Bukod dito, isa rin ang nasawi sa landslide sa bayan ng Pasil.Ayon kay kalinga Gov. Jocel Baac dahil sa nagdaang bagyong Lawin, lumambot ang lupa dahilan upang magkaroon ng landslide sa lugar.Sa ngayon ay nasa state of calamity na ang buong probinsya ng kalinga dahil sa bagyong Lawin.Samantalainihahanda naman na ng Department Of Agriculture ang panandaliang tulong para sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Lawin sa Cagayan, Isabela at Ilocos Norte.Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol pinag-aaralan na ang mga produktong pananim upang malaman ang tunay na pangangailangan ng mga magsasaka at maging ng mga mangingisda.
Limang Miyembro Ng Pamilya, Nalibing Ng Buhay Sa Landslide Sa Kalinga – Buong Probinsya Isinailalim Na Sa State Of Calam
Facebook Comments