Limang NPA, patay sa sagupaan sa Malaybalay City, Bukidnon

268

Nasawi ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sagupaan sa pagitan ng militar sa Sitio Cogon-Cogon, Brgy. Manalog, Malaybalay City, Bukidnon.

Ayon kay Maj. Francisco Garello Jr., tagapagsalita ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, ang nagka-engkwentro ay tropa ng 1st Special Forces Battalion kasama ang 8th Infantry Battalion at hindi mabilang na miyembro ng NPA.


Aniya, nagsimula ang engkwentro hatinggabi nitong Septyembre 19, 2021 at nagtagal ng hanggang alas-12:00 ng tanghali kahapon.

Sa sagupaan, namatay ang limang NPA habang narekober ng militar sa pinangyarihan ng engkwentro ang 12 pirasong baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagtugis ng militar sa mga nakatakas na mga NPA.

Facebook Comments