Limang OFW na biktima ng human trafficking, naharang ng Immigration sa Clark

Naharang ng Bureau of Immigration sa Clark International Airport sa Angeles City, Pampanga ang limang undocumented overseas Filipino workers (OFWs) na nagtangkang lumabas ng bansa bilang mga turista.

Pawang mga kababaihan ang mga hinarang ng BI sa Clark na lilipad sana patungo ng Malaysia at  United Arab Emirates.

Tatlo sa naturang mga OFW ay patungong Kota Kinabalu na nadiskubreng magtatrabaho sana bilang mga entertainers sa nightclub habang ang dalawang iba pa ay papasok bilang domestic helpers sa Lebanon.


Dalawa sa mga biktima ay Nagpresenta din ng mga pekeng VIsa patungong UAE.

Nasa kostodiya na ngayon ng Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT ang lima para sa imbestigayon at posibleng tulong ng pamahalaan.

Facebook Comments