Sinuspinde ng anim na buwan na walang sweldo ang limang opisyal ng Department of Health kabilang na ang isang Undersecretary.
Sa desisyon ni Ombudsman Samuel Martires, hindi muna papayagang makapasok sa kanilang mga trabaho sina Health Undersecretary Roger Tong-an, mga empleyadong sina Kenneth Ronquillo, Maylene Beltran, Laureano Cruz at Esperanza Carating.
Ang mga nabanggit na opisyal ay inireklamo sa Ombudsman dahil sa pag-ipit ng mga ito sa allowances at benepisyo ng mga health workers.
Hindi rin umano naibibigay sa tamang oras ang mga benepisyo ng mga medical frontliner na nagresulta para sila ay patawan ng anim na buwan na suspension.
Nilinaw ng Ombudsman na hindi parusa ang ipinataw na suspension sa mga nabanggit na opisyal bagkus ito ay upang hindi nila maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon sa kanilang kaso.
Agad pinadalhan ng Ombudsman ng kopya ng suspension si Health Secretary Francisco Duque III para ipatupad ang nasabing kautusan.