Aabot sa limang ospital sa Metro Manila ang gagamiting pilot center sa pagbabakuna ng mga kabataan kontra COVID-19.
Kasunod ito ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabakuna ng general population sa Oktubre.
Sa nasabing sistema, sisimulan muna sa edad 15 hanggang 17 ang babakunahan at pagkatapos ay ibababa ito sa edad 12 hanggang 14.
Uunahin ang mga may comorbidities at mga dependent ng mga health worker na dadaan sa rehistrasyon.
Facebook Comments