
Posibleng gamiting imbakan ng pera o parking space ang natuklasang limang palapag na basement parking sa ipinatatayong bahay ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa Forbes Park sa Makati City.
Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government o DILG Sec. Jonvic Remulla matapos madiskubre ang naturang basement ng bahay.
Natuklasan ng DILG ang konstruksiyon sa nakuhang application sa village association maging sa nakuhang plano sa local goverment unit para sa building permit.
Ayon kay Remulla, wala silang ibang nakikitang dahilan kung bakit nagpatayo si Co ng limang palapag na basement kundi pagtaguan ng pera.
Aniya, mahirap tumira sa basement ng isang bahay dahil kumplikado ang paglalagay ng mga amenities.
Sa ngayon at natigil na ang pagpapatayo ng basement matapos pumutok ang isyu sa flood control project.









