Limang pamantayan na magsisilbing gabay ng mga botante sa pagpili ng kandidato, inilatag ng CBCP

Naglabas ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ng mga pamantayan na magiging gabay ng bawat botante sa pagpili ng kandidato.

Sa ilalim ng “I Vote God” na bahagi ng 40 Days of Prayer and Discernment for Elections ng CBCP ay isang non-partisan campaign na naglalayong matulungan ang mga botante at maunawaan kung sino ang dapat na iboto sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pastoral accompaniment.

 

Sa ilalim ng ‘I Vote God’ Campaign ay may inilatag na limang pamantayan na magsisilbing gabay ng mga botante sa pagpili ng mga kandidato na tinatawag na “LASER” test.


Alinsunod sa nasabing pamantayan, maaaring mahatulan ang isang kandidato sa pamamagitan ng lifestyle, accomplishments, sources of support, election conduct at reputation sa komunidad.

Kaugnay nito ay hinihimok ni CBCP President Bishop Pablo Virgilio David ang mga diocese at archdiocese sa bansa na gamitin ang LASER test method sa kanilang komunidad lalo na at ang sama-samang pagkaunawa o discernment ang pinakamabuting pagkakataon upang maturuan ang konsiyensya.

Lahat din ng botante sa bansa ay pinaaalalahanan ng CBCP na maging mapagmatyag sa mga kahina-hinala at mapanlinlang na indibidwal na nagpapakalat ng mga kasinungalingan, poot at nagmamanipula ng ibang tao para sa sarili nilang interes.

Facebook Comments