Hinimok ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang Malacañang na sertipikahan nang “urgent” ang mga panukalang hakbang na makakatulong laban sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis
Ayon kay Castro, dapat pagtuunan ng Palasyo ang pagpapababa ng presyo ng langis upang bumaba rin ang presyo ng ibang mga produkto.
Partikular na tinukoy ng mambabatas ang mga panukalang batas na ito bilang “Lower oil prices bills package”, na binubuo ng:
• House Bill No. 400 o lower oil price bill;
• House Bill 3003 o renationalize petron bill;
• House Bill 3004 o unbundling oil prices bill;
• House Bill 3005 o Centralized procurement of petroleum bill;
• House Bill 3006 o ang batas na magreregulate ng downstream oil industry.
Ang mga nabanggit ay una nang inihain ng Bayan Muna Party-list sa mga 18th Congress ngunit hindi pumasa bilang batas.
Noong nakaraang linggo lang nang muling ihain ng Makabayan bloc ang apat na panukalang batas bilang tugon sa 7.7% na inflation rate na pinakamataas sa halos 14 taon.
Umaasa naman ang Makabayan bloc na makalulusot na ito ngayon upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng langis.