Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng limang maliliit na phreatomagmatic na pagputok sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras
Naitala ang mga maliliit na pagputok simula alas-6:45 PM, alas-6:06 PM, alas-9:21 PM, alas-9:50 PM at alas-2:59 AM.
Nakapagtala rin ng 58 na volcanic earthquake at mahinang background tremor sa Bulkang Taal.
Nagbubuga rin kada araw ng 6,059 na tonelada ng sulfur dioxide.
Napansin din ang malakas na pagsingaw na may taas na 1,200 metro na napapadpad sa hilagang kanluran.
Nanatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal sa kabila ng ipinapakita nitong aktibidad.
Facebook Comments