Posible umanong mapilitan na naman ang grupo ng mga tsuper na isulong ang limang pisong dagdag pasahe sa minimum fare sa mga pampublikong jeepney sakaling hindi mapigilan ang patuloy na pagsirit ng petrolyo sa merkado.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay One Pangasinan Transport Federation President Bernard Tuliao, dulot pa rin umano ito ng tumitinding sigalot sa bansang Israel at Iran.
Samantala, sa muling pagsirit ng produktong petrolyo ay nakaamba rin ang ayuda na magmumula sa gobyerno.
Inihayag naman ni Tuliao na malaking bagay ito ngunit pasakit pa rin umano sa kanila ang pautay-utay na taas presyo nito.
Dagdag pa ni Tuliao, sa muling pangako ng subsidiya, ilang tsuper pa ang hindi umano nakatanggap mula sa mga nauna ngunit inaasahan din naman nito na sila ay mabibigyan.
Kahapon, nagsitaasan ang produktong petrolyo at inaasahang muli bukas, June 26.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









