LIMANG PISONG DAGDAG SA GENERATION CHARGE IPINATUTUPAD NG CENPELCO

Ipinatutupad ngayon ng Central Pangasinan Electric Cooperative Inc. o CENPELCO ang limang pisong (Php 5.00) dagdag sa generation charge kada kilowatt hour mula pa noong buwan ng Hulyo.

Kung dati ay nasa Php 10.00 kada kilowatt/hour lamang ngayon ay nasa Php 15.22 per k/h na ang generation charge ng kada kilowatt per hour.

Paliwanag ni CENPELCO General Manager Rodrigo Corpuz, ang pagtaas sa generation charge ay dahil din sa pagtaas ng singil ng mga plantang kanilang pinagkukunan ng suplay ng kuryente.

Dagdag pa nito, isa sa kanilang pinagkukunan ng suplay ay ang Coal Plant na matatagpuan sa Sual kung saan tumaas din ang presyo nito dahil sa tensyong nararanasan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Dahil dito hinikayat ng ahensya ang mga konsyumer na magtipid muna pagdating sa pagkokonsumo ng kuryente.

Sa ngayon, humahanap ang ahensya ng mga solar power plant na maaari nilang mapagkunan ng suplay upang makabawas sa konsumo. | ifmnews

Facebook Comments