LIMANG PLANTASYON NG MARIJUANA SA SUGPON, ILOCOS SUR, SINALAKAY

Limang magkakahiwalay na plantasyon ng marijuana ang natuklasan ng awtoridad sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur.

May kabuuang lawak ang plantasyon na 1,600 metro kuwadrado, kung saan mayroong 10,250 na mga ganap nang tanim na marijuana o fully grown marijuana plants at 1,000 na mga punla o seedlings.

Umabot sa PhP770,000.00 ang halaga ng tanim na marijuana sa unang plantasyon, PhP370,000.00 naman na halaga sa ikalawang plantasyon, PhP700,000.00 halaga sa ikatlong plantasyon, PhP200,000.00 at PhP100,000.00 na halaga sa ikaapat at ikalimang natagpuang plantasyon.
Sa kabuuan, umabot ang halaga ng sinalakay na marijuana plantation sa PhP2,090,000.00.

Agad ding sinunog ng awtoridad ang lahat ng nakumpiskang mga tanim.
Nanindigan ang kapulisan ng Rehiyon Uno sa adhikaing wakasan ang droga upang mapalayo sa kapahamakan ang mga mamamayan sa dulot nitong kasamaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments