Limang Presidential Candidates, Nagbigay Ng Kanilang Opinyon Sa Naging Perfomance Ng Kanilang Kapwa Kandidato Sa Kakatap

13

MANILA Nagbigay ng kumento ang limang Presidential Candidates sa naging perfomance ng kanilang mga kapwa katunggali sa ginanap na ‘Pili-Pinas Debates 2016’ noong Linggo sa Cagayan De Oro City.Ayon kay People’s Reform Party Presidential Candidate, Senador Miriam Defensor-Santiago – makabuluhan ang mga naging pahayag ni Liberal Party Presidential Bet Mar Roxas subalit wala naman daw itong emosyon.Para naman kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte – ang dalawang babaeng presidentiables na sina Senador Grace Poe at Senador Miriam Defensor-Santiago ang naging magaling sa nangyaring debate dahil mahuhusay silang magsalita.Sa pananaw naman ni Senador Poe – hayaan na ang taumbayan ang maghusga kung sino sa kanilang lima ang umangat sa nasabing debate.Nabitin naman si Roxas sa nangyaring debate dahil hindi gaanong natalakay ng maayos ang mga mahahalagang isyung kinakaharap ng bansa.Samantala, tumanggi namang magpahayag si Vice President Jejomar Binay dahil nasabi na niya ang mga lahat ng kanyang sasabihin sa debate. (DZXL 558 – Aron Jay Estandarte)

Facebook Comments