Limang preso na tumakas sa Rosario police lock-up cell, nadakip na ng pulisya

Cavite – Nadakip na ng pulisya ang isa sa limang preso na tumakas sa Rosario police lock-up cell noong isang linggo.

Hindi na nakaporma pa ang puganteng si Ryan James Villanueva nang matyempuhan ito habang dumadalaw sa buntis na asawa sa Barangay Ligtong Rosario, Cavite.

Sa ngayon, dalawa na lamang ang hinahanap na sina Danny Mar Cariño at Frederick Legaspi na pawang nahaharap sa kasong illegal drugs.


Matatandaan na unang napatay sa engkwentro ang dalawang kasamahan ng mga ito na sina Josepino Abad at Lyndon Bartolo matapos makipagbarilan sa mga pulis na naghahanap sa kanila.

Facebook Comments