Limang sanggol na sumailalim sa liver transplant sa India, nakabalik na ng Pilipinas

Nakauwi na sa bansa ang 60 mga na-stranded na Pilipino sa India.

Kasama rito ang 9 na seafarers at 5 sanggol na sumailalim sa liver transplant sa nasabing bansa.

Ayon kay Rhona Kwan, ina ni Baby Danice na nagdonate ng bahagi ng kanyang liver, pauwi na sana sila ng  bansa  noong  February 2020 pero inabutan sila ng lockdown.


Dahil sa medikal na kadahilanan, sila ay hindi na dinala sa quarantine facility at sa halip ay sa bahay na lamang sila magse-self quarantine.

Facebook Comments