LIMANG SASAKYAN NASANGKOT SA KARAMBOLA SA POZORRUBIO

Limang sasakyan ang nasangkot sa isang karambola sa national road ng Barangay Batakil, Pozorrubio, Pangasinan bandang alas-dies ng umaga kahapon, Disyembre 17, 2025.

Batay sa imbestigasyon at CCTV footage, isang van ang bumabagtas pa-timog ng kalsada at sinusundan ng isang pribadong sasakyan, habang isang cargo truck at isang tricycle naman ang patungong hilaga.

Pagdating sa lugar ng insidente, pumasok umano sa kabilang linya ang van at aksidenteng bumangga sa cargo truck.

Dahil sa lakas ng pagbangga, naitulak ang cargo truck at bumangga naman sa kasunod na tricycle.

Sumalpok din ang tricycle sa isang nakaparadang van na walang sakay sa gilid ng kalsada, habang ang pribadong sasakyan ay aksidenteng bumangga rin sa unang van.

Isinugod sa pagamutan ang mga driver ng van at cargo truck, pati ang mga sakay nito, para sa agarang lunas.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang bilang ng mga nasaktan at pinsala sa mga sasakyan na pansamantalang dinala sa Pozorrubio Municipal Police Station para sa tamang disposisyon at karagdagang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments