Limang senador, lumagda na para harangin ang pagpapaaresto kay Pastor Apollo Quiboloy

Umabot na sa limang lagda ng mga senador ang nakalap ni Senator Robin Padilla para baligtarin ang mosyon ni Senator Risa Hontiveros na ipa-cite in contempt para ipaaresto si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ matapos ang pandededma nito sa imbestigasyon ng Senado.

Ayon kay Senator Robin Padilla bukod sa kanya, lumagda na rin sina Senators Imee Marcos, Cynthia Villar, Bong Go at JV Ejercito.

Magkagayunman, malaking hamon para kay Padilla na makakuha ng walong lagda para mabaligtad ang pagpapa-contempt at mapigilan ang pagpapaaresto kay Quiboloy.


Sakaling makumpleto ng senador ang walong pirma ay magiging “moot and academic” na ang aksyon ng Senate Committee on Women.

Mayroong pitong araw si Padilla para makakalap ng walong lagda ng mga senador na kasapi ng komite na susuporta sa pagharang niya sa pagpapa-contempt kay Quiboloy.

Facebook Comments