Limang Sintensyado ng BJMP Cauayan City, Inilipat na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa!

Cauayan City, Isabela – Inilipat na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa ang limang Persons Deprived of Liberty o PDL ng BJMP Cauayan City.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Jail Chief Inspector Romeo Villiante, ang Jail Warden ng BJMP Cauayan City na ang lima ay maituturing na may mga mabibigat na kaso na may habang-buhay na pagkakabilanggo bilang sintensya.

Karamihan umano sa mga PDL sa naturang piitan ay may mga kaso hinggil sa ipinagbabawal na droga.


Samatala umaabot sa kabuuang dalawang daan at apatnapu’t anim na PDL ang mayroon sa BJMP Cauayan City kung saan labing siyam dito ay mga babae.

Facebook Comments