Limang steel firms, sisiyasatin ng DENR dahil sa ilang paglabag sa environmental laws

Manila, Philippines – Iimbestigahan ngayon ng Department of Environment and Natural Resources ang limang steel mills sa bansa dahil sa masyadong mataas na antas ng ibinubugang polusyon sa hangin na isang paglabag sa batas pangkalikasan.

Sa isang statement, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na iniutos na niya sa Environment Management Bureau na bumuo ng isang lupon na titingin sa posibleng paglabag ng Melter Steel Corp., Real Steel Corp., ang Wan Chiong Steel Corp., na nakahimpil sa Pampanga; gayundin ang Metro Dragon Steel Corp.sa Caloocan City; at Davao Mighty Steel Corp.

Ayon kay Mr. Cimatu, posibleng may paglabag ang mga steel firms sa Republic Act no. 8749 o Clean Air Act of 1999.


Facebook Comments