Limang suspek na umano’y nagpakalat ng “No Bakuna, No Ayuda’, sinampahan na ng kaso; Malacanang, may babala sa mga nagpapakalat ng fake news na may kaugnayan sa pandemya

Kinumpirma ng Malacañang na sinampahan na ng kaso ang limang indibidwal na nagpakalat umano ng fake news dahilan para sumugod ang publiko sa mga vaccination sites sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson, mismong ang Philippine National Police-Directorate for Investigation and Detective Management (PNP-DIDM) ang nagsampa ng hindi bababa sa limang kaso sa mga suspek.

Kasabay nito, nagbabala si Roque sa mga nagbabalak pang magpakalat ng maling balita na may kaugnayan sa pandemya na titiyakin ng gobyerno na mahahanap at makukulong ang mga ito.


Matatandaan nitong nakaraang linggo lamang ng dumugin ng publiko ang ilang vaccination centers sa Maynila, Quezon City, Las Piñas at Antipolo City sa Rizal dahil sa fake news na hindi bibigyan ng ayuda ang mga residenteng hindi pa bakunado.

Facebook Comments