Limang Taiwanese na guilty sa kasong droga , pinatatapon na ng Parañaque RTC sa Bilibid

Manila, Philippines – Ipinag-utos ng korte ang paglilipat sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City, mula sa Camp Bagong Diwa sa Taguig city, ang 5 Taiwanese na nahulian ng P150-Million na halaga iligal na droga sa San Antonio Valley 12, Parañaque City noong 2012.

Ito’y makaraang ibaba ng Parañaque Regional Trial Court Branch 259 ang hatol na “guilty beyond reasonable doubt” laban sa mga akusadong dayuhan o apat na bilang ng habambuhay na pagkakakulong.

Kinilalw ang mga hinatulan na dayuhan na sina: Yu teng Cheng, Horng-Jen Tsai, Kun-Lin Yu, Yung-Chun Huang at Yun-Pong Hsu.


Bukod sa pagkakakulong, pinagmumulta rin ang mga Taiwanese ng P4-Million kada isa.

Facebook Comments