Limang tao, patay sa nangyaring pag-atake sa Pakistan Stock Exchange

Patay ang limang (5) tao sa nangyaring pag-atake sa Pakistan Stock Exchange (PSE) sa lungsod ng Karachi sa nasabing bansa.

Ayon sa ulat, pinasok ng apat na armadong lalaki matapos pasabugin ang isang granada sa entrance ng nasabing tanggapan at nagsimula nang magpaputok ng baril.

Agad namang napatay ang apat (4) na lalaki na pinaniniwalaang mga terorista, habang isa naman sa hanay ng pulisya ang namatay sa nasabing sagupaan.


Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad.

Facebook Comments