LIMANG TAONG GULANG NA BATA, GINAHASA NG PIPI SA PANGASINAN

Kinumpirma ng PNP na ginahasa nga ng suspek ang isang limang taong gulang na bata sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz na nasampahan na ng kaukulang kaso ang nasabing suspek.
Ayon sa impormasyon, naganap ang panggagahasa malapit sa mismong munisipyo ng isang bayan sa lalawigan kung saan ay naabutan pa diumano ng nanay ng biktima ang suspek na nakapatong sa biktima.

Pinasinungalingan naman ng opisyal ang balitang namatay na ang suspek at sa katunayan ay dinala pa ito sa ospital para ipa check up bago ibalik sa piitan.
Samantala napag alaman din na miyembro ng Person with Disability ang suspek kung saan ay hindi ito nakakapag salita o pipi.
Nagpaalala naman ang mga kapulisan na huwag basta basta maniniwala sa mga sabi sabi o nababasa sa social media lalo na ngayong uso ang Fake News. |ifmnews
Facebook Comments