Nagsimula na ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project ng Department of Agriculture (DA) na magtatagal ng limang taon.
Ang proyektong ito ay sinimulan sa pamamagitan ng Official Development Assistance o ODA loan mula sa World Bank na aabot sa 6.625 bilyong piso.
Sa ulat ng DA, makakatulong ang proyektong ito para mas maparami ang produksyon ng produktong pang agrikultura sa harap na rin ng isinusulong na food security ng Marcos Administration at upang maresolba ang kahirapan ng mga katutubo sa southern part ng Pilipinas.
Layunin din nitong mapabilis at mapadali ang access sa markets at services ng mga organized na grupo ng mga magsasaka at mangingisda sa mga piling ancestral domains at mga piling value chain sa Mindanao kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
i-a-adopt ng proyektong ito ang mga institutionalized strategies ng DA gaya ng pagpapaganda ng mga plano, resource programming and implementation processes, at ang integrated application ng scientific and market-based data and instruments para sa long-term resiliency at economic profitability.
May mga principles din ang proyekto nakapaloob sa Republic Act (RA) No. 8371, o ang “The Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997.”
Inaasahang sa proyektong ito ay mas aangat ang buhay ng mga katutubo sa Mindanao dahil sa mga itatayong agri-infrastracture gaya ng farm-to-market roads, tulay, irigasyon projects, potable water system, at agriculture tramline system.