Limang transport group, haharap sa pagdinig ng House Committee on Transportation kaugnay sa motor vehicle test

Nakatakdang humarap ngayong araw sa House Committee on Transportation ang limang taga-pamuno ng Transport Group.

Ito’y upang patunayang walang nangyaring konsultasyon sa pagsasapribado ng motor vehicle test.

Kabilang sa mga haharap ay sina Atty. Vigor Mendoza ng Beep Transport, Obet Martin ng Pasang Masada, Melencio “Boy” Vargas ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Often de Luna at Orlando “Lando” Marquez ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) at Efren de Luna ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO).


Ayon kay Marquez, bagama’t hindi sila tutol sa private motor vehicle inspection centers (PMVIC), inirereklamo nila ang mataas na sinisingil at hindi ito napapanahon sa ilalim ng umiiral na pandemya.

Ang PMVIC ay alinsunod sa implementasyon ng Land Transportation Code and Clean Air Act na naglalayong tiyaking mga roadworthy vehicles ang bibyahe.

Ito’y upang makaiwas sa polusyon sa hangin at sa mga sakuna sa kalsada.

Facebook Comments