Limang unibersidad sa Pilipinas, pasok sa ranking ng United Kingdom-based magazine na Times Higher Education

Pasok sa ranking na isinagawa ng United Kingdom-based magazine na Times Higher Education ang limang unibersidad sa Pilipinas.

Layunin ng ranking na ito na ma-address ang mga hamon sa bansa tulad ng poverty, inequality, climate change, at environmental degradation.

Ang mga unibersidad na napasama sa listahan ng Times Higher Education Impact Rankings ay ang; Ateneo de Manila University (ADMU), De La Salle University (DLSU), University of Santo Tomas (UST), Tarlac Agricultural University (TAU), at Mapua University.


Sa nasabing ranking, naglaban-laban ang 1,115 unibersidad mula sa 94 bansa at rehiyon

Noong nakaraang taon, tanging UST, University of Asia and the Pacific, De La Salle, at Mapua lamang ang nakapasok sa Times Higher Education’s Impact Rankings.

Pinapurihan naman ng Commission of Higher Education (CHED) ang Tarlac Agricultural University (TAU).

Facebook Comments