LIMANG TAONG GULANG PABABA, HINDI PAPAYAGANG MAKAPASOK NG SEMENTERYO AT COLUMBARIUM SA SAN FABIAN SA OBSERBASYON NG UNDAS 2022

Bilang pag-iingat sa Covid-19, hindi pinayagang makapasok ang mga batang edad lima pababa sa obserbasyon ng Undas 2022 sa bayan ng San Fabian.
Sa inilabas na Executive Order na pirmado ng alkalde, pag-iingat ang nasabing kautusan dahil nanatiling nasa pandemya ang bansa.
Nakasaad din dito na bukas ang mga sementeryo at Columbaria mula Oct. 29- Nov. 1 sa oras ng 5:00-7:00 ng gabi.

Magiging per barangay din ang pagbisita sa mga sementeryo kung saan kinakailangang nakasuot ng face mask ang mga bibisita.
Nasa tatlong oras lamang ang ibinigay na pag-stay ng mga dadalaw. Ipinagbabawal din ang pagdadala ng patalim, baril, playing cards at portable sound.
Nakahanda ang awtoridad sa bayan upang maprotektahan ang mga bibisita sa sementeryo para sa undas 2022. |ifmnews
Facebook Comments