LIMANLIBONG TILAPIA FINGERLINGS, MATAGUMPAY NA NATANGGAP NG LGU NATIVIDAD MULA SA PROVINCIAL AGRICULTURE

NATIVIDAD, PANGASINAN – Matagumpay na natanggap ng Lokal na pamahalaan ng Natividad, Pangasinan ang libu-libong tilapia fingerlings na handog ng Pangasinan Provincial Agriculture.

Sa pangunguna ng mga kawani ng Office of the Provincial Agriculture ng Pangasinan, inihatid at naipamahagi ang nasa limanlibong (5, 000) fingerlings ng tilapia o yung mga maliliit pa lamang na isda.

Ang naturang pamamahagi ng nasabing fingerlings ay isang programa ng pamahalaang panlalawigan na suportahan ang mga pangisdaan sa loob ng probinsya upang mapalakas pa ang mga kita ng mga residenteng tanging pinagkukunan ng kanilang pamumuhay ay sa pangingisda.


Kasama sa tumanggap ng fingerlings ang mga kinatawan ng Municipal Agriculture sa pangunguna ni Engr. John Christian Sioco at ilang mga kasama nito.

Labis naman ang pasasalamat ng mga residente at mga kawani ng LGU Natividad sa handog na ito ng Provincial Government ng Pangasinan sa patuloy na suporta sa sector ng agrikultura partikular na sa pangingisda.

Facebook Comments