LIMGAS NA PANGASINAN 2023 PRE-PAGEANT NIGHT CULTURAL COSTUME COMPETITION, ISINAGAWA

Kagandahan, katalinuhan, kultura, at pagkamalikhain – ito ang mga katangiang ibinandera ng 25 candidates sa naganap na Limgas na Pangasinan Pre-pageant Night Cultural Costume Competition na isa sa mga highlights nito lamang April 26 sa Lingayen.
Kamakailan lang ng magkaroon ng Mall display ang mga Cultural Costumes na ito bilang pagkilala sa mga talented Pangasinan designers kaya naman marami ang namangha matapos opisyal ng nairampa ng mga tinaguriang ‘Princess Urduja’ ng Pangasinan ang kanilang mga malilikhaing kasuotan at bilang representative ay kung paanong ikweni-kwento rin nila at ipinagmamalaki ang kanilang nakagisnan.
Samantala, bukod sa kagandahan taglay din ng mga Princess Urduja ang malasakit dahil sila ay namahagi ng gift packs at snacks sa halos 200 pamilya sa bayan ng Lingayen.

Mula sa IFM sabay sabay nating abangan ang Coronation Night ng naturang patimpalak na gaganapin sa April 29, 2023. Ito ay parte pa rin ng kasalukuyang selebrasyon ng Pista’y Dayat o ‘Sea Festival’ sa probinsya ng Pangasinan. |ifmnews 
Facebook Comments