Manila, Philippines – Mula nang magsimula ang tag-ani nitong nakalipas na buwan ng Pebrero, tuloy-tuloy na ang palay procurement ng National Food Authority (NFA) sa mga local farmers sa bansa.
Pero ang mga nabibiling palay ay limitado lamang sa mga ahensiya at LGUs na nagsu-supply sa calamity prone areas at sa ilang lalawigan na umaasa lang sa supply na bigas ng NFA.
Hindi pa kasama dito ang pamamahagi ng supply ng NFA rice sa retail outlets nito sa merkado.
Binibili ng NFA ang palay sa mga local farmers sa halagang 17 pesos.
Kaugnay nito, umuusad na ang proseso sa pag-aangkat ng 250 libong sako ng bigas na aasahan sa buwan ng Hunyo.
Mula sa official publication hanggang sa bidding process tatagal ng 45 hanggang 50 araw bago darating sa bansa ang imported rice.