LIMITADO | Operation hours ng ilang bangko ngayong Bagong Taon, alamin

Manila, Philippines – Ilang bangko, magpapatupad ng limitadong operation hour.

Ilang bangko ang bukas ngayong katapusan ng linggo bago ang pagsisimula ng taong 2018.

Limitado lamang ang oras ng operasyon ng ilang BDO Unibank ngayong Sabado, Disyembre 30 at araw ng Linggo, bisperas ng Bagong Taon.


Sarado naman ang lahat ng sangay nito sa Lunes, Enero 1 pero regular banking day na sila sa Martes, Enero 2.

Ilang electronic channels naman ng BDO ay handa sa ilang transaksyon ngayong holiday season.

Samantala, bukas ang lahat ng Bank of the Philippines Islands / BPI family savings bank branches sa Enero 2 at 3, at operational ang kanilang Automated Teller Machines (ATM), online, mobile at phone banking channels ngayong weekend maging sa Enero 1.

Pwede din ang mga transaksyon online at iba pang electronic channels ng Metrobank, PS bank, Union Bank of the Philippines, Eastwest Bank, Landbank of the Philippines at United Coconut Planters Bank ngayong weekend maging sa Enero 1 at regular banking operations naman sa Enero 2.

Facebook Comments