Limitadong bilang ng tricycle sa mga palengke, hiniling ng isang Senador

May pakiusap si Committee on Local Government Chairman Senator Francis Tolentino kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ańo.

Ito ay ang payagan ang tig-sampu o limitadong bilang ng tricycle sa mga palengke at talipapa para masakyan ng mga mamimili habang umiiral ang community quarantine.

Paliwanag ni Tolentino, dapat maging mahigpit ang pagmando ng Local Government Units (LGUs) sa pagpasada ng mga tricycle para matiyak na aayon pa rin ito sa mga hakbang laban sa COVID-19.


Inihalimbawa ni Tolentino ang pasig kung saan pinayagan ni Mayor Vico Sotto ang pagbiyahe ng mga limitadong bilang ng tricycle para masakyan ng mga health workers patungong ospital.

Tinukoy ni Tolentino na sa Pasig ay sinisigurado na konti lang ang pasahero ng mga babyaheng tricycle at may social distancing o hindi sila magkatabi.

Facebook Comments