Limitadong charges at discount sa OFW remittances, isinulong sa Kamara

Iginiit ni Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales na limitahan ang charges at bigyan ng discount sa service fee ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs na nagpapadala ng remittances.

Sa inihain ni Gonzales na house bill Bill No. 185 o OFWs Remittance Protection Act ay nakapaloob ang 50% diskwento sa service fee ng mga financial intermediaries at non-bank financial intermediaries sa money remittance ng OFW sa immediate family member kahit magkano ang halaga.

Tinukoy ni Gonzales na base sa March 2022 World Bank monitoring report, kulang 10.94% ng halaga ng remittance na dumadaan sa mga bangko ang napupunta sa remittance cost.


Nakapaloob din sa panukala na ang mga financial intermediaries at non-bank financial intermediaries na magbibigay ng diskwento sa remittance fees ay maaaring maka-avail ng tax deduction sa kanilang gross income na itututing bilang ordinary and necessary expenses.

Hindi rin sila maaaring magtaas ng fee nang walang konsultasyon kasama ang Department of Finance, Bangko Sentral ng Pilipinas, at Philippine Overseas Employment Administration.

Sakaling maisabatas, at makukulong ng dalawa hanggang sampung taon ang mga lalabag at pagmumultahin ng ₱6000 – ₱750,000.

Maliban pa ito sa parusa na maaaring ipataw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Facebook Comments