Limitadong face-to-face classes para sa mga bakunadong estudyante sa graduate school, dapat pahintulutan na

Nanawagan si Senador Francis Tolentino sa Malacañang na payagan na ang limitadong face-to-face classes para sa mga mag-aaral sa graduate school at law school.

Walang nakikitang problema si Tolentino kung ipapabalik muli ng Inter-Agency Task Force o IATF ang face-to-face na klase ng mga estudyanteng kumukuha ng post-graduate degrees basta’t sila ay bakunado na kontra COVID-19.

Paliwanag ni Tolentino, karamihan sa mga mag-aaral na kumukuha ng post-graduate programs ay kabilang sa uring manggagawa at kwalipikadong mabigyan ng COVID 19 vaccine.


Diin pa ni Tolentino, mababa ang peligro kung papayagan ang mga post-graduate student na dumalo sa limitadong face-to-face classes basta’t lahat sila ay bakunado at susunod nang mahigpit sa mga minimum health protocol.

Dagdag pa ni Tolentino, dapat ay bakunado na rin ang faculty members at iba pang kawani ng mga kolehiyo at unibersidad bago payagan ang limitadog face-to-face classes para sa mga kumukuha ng post-graduate degrees.

Facebook Comments