Pabor ang Inter-Agency Task Force o IATF sa limitado o pilot testing ng face-to-face classes sa mga lugar na zero o mababa ang kaso ng COVID-19.
Sinabi ito ni NEDA Secretary Karl Kendrick Chua sa briefing ng Development Budget Coordinating Committee o DBCC sa Senate Finance Committee na pinamumunan ni Senator Sonny Angara.
Kumbinsido si Chua na dahil sa kawalan ng face-to-face classes ay nalilimitahan ang learning ability ng mga mag-aaral at may epekto rin ito sa kanilang pagtatrabaho sa hinaharap.
Binanggit ni Chua na katumbas ng ₱11-trillion ang “loss of productivity” o nawawala sa isang taon na hindi pagpasok ng mga bata sa paaralan hanggang sa sila ay magtrabaho.
Sabi naman ni Senator Win Gatchalian, mayroong 200 mga lugar sa bansa na walang COVID-19 cases habang pwede ring gawin ang face-to-face classes sa mga private schools na malalaki ang mga espasyo at kakaunti lang ang mga estudyante.