Limitadong face-to-face graduation, suportado ng isang senador

Lubos na ikinagalak ni Senador Francis Tolentino ang pahintulot ng Department of Education o DepEd sa pagsasagawa ng limitadong face-to-face graduation at in-person end-of-school-year rites sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 infection.

Tinukoy ni Tolentino na sa ilalim ng DepEd calendar, nakatakdang matapos ang school year 2021-2022 sa darating na Hunyo 24.

Maaari namang magsagawa ng graduation ceremony sa pagitan ng Hunyo 27 hanggang Hulyo 2, sa kondisyon na susundin ang mga nakatalaga na minimum health protocols na ipinatutupad pa rin ngayon ng pamahalaan.


Ayon kay Tolentino, minsan lamang sumagi sa buhay ng isang estudyante ang pagtatapos sa elementarya at high school kaya pinaghahandaan ito ng husto ng mga magulang at ng mga mag-aaral na taon ang ginugol sa pagsusunog ng kilay.

Una ng ipinanukala ni Tolentino na payagan na ang per batch na limited face-to-face graduation upang maiwasan ang malaking pagtitipon ng mga tao na posibleng maging dahilan upang muling sumirit ang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Facebook Comments