Lilimitahan ang mga media na maaaring makapagsagawa ng coverage sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na inanusyo ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na hindi muna papayagan ang mga miyembro ng media na pumasok sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Paliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ikinukonsidera lamang ng komite na in-charge sa pagpaplano ng SONA ang kaligtasan ng lahat lalo na at umabot na sa higit 70,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pero sinabi ni Nograles na bukas pa rin ang PCOO sa anumang rekomendasyon at posibleng magkaroon ng special arrangements para makapag-cover ang private media sa event.
Ang limitadong coverage ng SONA ay base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ang Presidential Broadcast Staff – Radio Television Malacañang (PSB-RTVM) ang pinapayagang mag-cover ng vent.
Ang private media entities ay pinayuhang mag-hook up sa live feed ng People’s Television Network (PTV) o social media pages ng RTVM.