Kasado na sa Disyembre ang pagpapatupad ng limitadong number coding scheme sa National Capital Region (NCR).
Ito ay matapos magkasundo ang Metro Manila Council (MMC) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ibalik ang panuntunan upang mabawasan ang dagsa ng mga sasakyan sa EDSA.
Ayon sa ulat, maaaring ipatupad ang modified number coding scheme sa EDSA sa ikalawang linggo ng Disyembre mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.
Nabatid na nitong mga nakalipas na araw, umabot na sa 401,000 na sasakyan kada araw ang dumadaan sa EDSA.
Ibig-sabihin, 4,000 na lamang ay maaabot na nito ang pre-pandemic level na 405,000 kada araw.
Hindi kasama sa modified number coding scheme ang pampublikong transportasyon.
Facebook Comments