Umapela na rin si Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite sa gobyerno kaugnay sa panawagan ni Pasig Mayor Vico Sotto na i-exempt ang tricycles mula sa lockdown.
Paliwanag ni Gaite, maraming health workers, mga empleyado ng mga exempted na mga negosyo at mga taong lumalabas para bumili ng pagkain ang naglalakad ng ilang kilometro araw-araw para lamang makarating sa transport services ng gobyerno.
Kasama na rito ang mga taong nangangailangan ng mga serbisyong medikal gaya ng dialysis at merong naka-schedule na checkups na hindi agad makakasakay sa transport services na pwede lamang sakyan.
Mungkahi ni Gaite, gumawa na lang ng special arrangements sa serbisyo ng tricycles para maipatupad pa rin ang kinakailangang mga pag-iingat gaya ng social distancing.
Aniya, baka lalong makasama sa kalusugan ng publiko kung total shutdown ang mga pampublikong transportasyon.