Nakatakdang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa limitadong pagsusuot ng face shields.
Inihayag ito ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go base sa sinabi sa kanya ni Pangulong Duterte.
Diin ni Go, ang pangunahing proteksyon naman natin laban sa COVID-19 ay ang mask at ang bakuna.
Paliwanag ni Go, dagdag na proteksyon lamang ang face shield kaya pwede nang hindi gawing mandatory o obligado ang paggamit nito.
Nauna nang umapela si Go sa IATF na kung maaari ay luwagan na ang patakaran sa pagsusuot ng face shields at gawing boluntaryo na lamang.
Dagdag pa ni Go, sa paglilimita sa paggamit ng face shields ay makakahinga na ng konti ang mga Pilipino at mapapagaan ang hirap na kanilang dinadala.