Manila, Philippines – Pinalilimitahan na ng United Nations – World Health Organization (UN–WHO) sa mga member country nito ang paggamit ng anti-dengue vaccine na ‘Dengvaxia.
Ayon sa WHO, hindi dapat bakunahan ang mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.
Anila, dapat ding paigtingin ang mga hakbang para mabawasan ang exposure sa dengue infection lalo sa mga lugar kung saan isinagawa ang vaccination.
Simula nang maging “available” noong 2016 ang Dengvaxia na mina–manufacture ng Sanofi Pasteur, ginagamit na sa 19 na bansa ang Dengvaxia kabilang ang Pilipinas.
Facebook Comments