Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na magpapanatili sa itinakdang limitasyon ng imported rice sa bansa.
Sa ilalim ng Executive Order 23, mananatiling 850,000 tonelda lang ang limitasyon sa aangkating bigas hanggang sa taong 2020.
Ibig sabihin ayon kay Agriculture Usec. Segfredo Serrano – sa susunod na tatlong taon ay hindi mangangamba ang mga magsasaka sa dami ng imported na bigas sa merkado.
Layon din sa paglalabas ng EO na mapanatiling mababa ang taripa ng mga piling imported agricultural products.
Sa katapusan kasi ng Hunyo, matatapos na ang waiver ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) kung saan napagkasunduan noon na lilimitahan ang pasok ng imported rice sa bansa kapalit ng mababang taripa sa ibang produkto.
Aminado naman ang Department of Agriculture (DA) na hindi hambambuhay aasa ang bansa sa limitasyon ng aangkating bigas para sa mga magsasaka.
Kaya sa mga panahong epektibo ang EO, balak ng DA na palakasin pa ang sektor ng pagsasaka.
Samantala, tiniyak naman ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo na sapat pa ang bigas ng ahensya para sa mga relief operation.
DZXL558